Sat. Mar 14th, 2026
Frenchie Mae Cumpio

Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pag-convict kinacommunity journalist Frenchie Mae Cumpio at lay worker Marielle Domequil sa kasong may kinalaman sa terrorism financing, tinawag itong “injustice” at isang dagok sa kalayaan ng pamamahayag.

Ayon sa NUJP, ang mga kaso ay gawa-gawa lamang at bunga ng “questionable arrest” at “dubious witnesses,” lalo’t nauna nang binaligtad ng Court of Appeals ang forfeiture sa perang nakumpiska sa kanilang pag-aresto.

Si Cumpio, dating executive director ng Eastern Vista at radio broadcaster na nag-uulat hinggil sa umano’y pang-aabuso ng pulis at militar, ay naging simbolo ng “challenged state of press freedom” sa bansa.

Babala ng NUJP, ang hatol ay nagpapahina sa kakayahan ng mga mamamahayag na mag-ulat nang walang takot sa kaparusahan.

Bagama’t tinanggap ng grupo ang kanilang pag-absuwelto sa kasong illegal possession of firearms and explosives bilang “partial victory,” iginiit ng NUJP na magpapatuloy ang laban para kay Cumpio, Domequil, at sa iba pang miyembro ng Tacloban 5.

Hinimok din nila ang media at publiko na bantayan ang kaso bilang bahagi ng kolektibong pagtatanggol sa malayang pamamahayag.

Pinuri ng NUJP ang pakikiisa ng mga lokal at internasyonal na organisasyon para sa press freedom, kabilang ang Altermidya, CPJ, Free Press Unlimited, RSF, at Media Freedom Coalition, na patuloy na nagbabantay at nagbibigay suporta sa kampanya para sa hustisya. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *