Tue. Mar 24th, 2026

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng bawas sa terminal fees sa lahat ng paliparang pinapatakbo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hanggang ₱200 kada pasahero, epektibo simula Abril 1.

Sa isang press conference, sinabi ni DOTr Secretary Banoy Lopez na layunin ng hakbang na tulungan ang mga pasahero at airline companies upang mapanatili ang mas matatag na presyo ng pamasahe.

Halimbawa, kung ang presyo ng ticket ay ₱2,000, bababa ito sa ₱1,800. Kasama rin sa bawas ang navigation charges gaya ng take-off at landing fees, na maaaring magbigay ng hanggang ₱5,000 na matitipid sa bawat landing o take-off.

Ayon sa DOTr, tatagal ng tatlong buwan ang unang assessment ng programa bago ito suriin para sa posibleng karagdagang adjustments.

Samantala, inaaral na rin ang posibilidad ng pagbibigay ng discounts sa mga pantalan na pinapatakbo ng Philippine Ports Authority (PPA), na inaasahang maipatupad bago mag-Abril 15. # (JCNE)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *