Sat. Nov 23rd, 2024
Senate President Juan Miguel Zubiri

ISASAPUBLIKO anomang oras ngayon ang manifesto ng Senado na nagbabasura sa people’s initiative (PI) para isakatuparan ang Charter change (Cha-cha).

Kinompirma ito ni Senate President  Juan  Miguel Zubiri, batay sa ulat ng inquirer.net.

“Yes and will share later,” ani Zubiri sa Viber message sa mamamahayag hinggil sa manifesto.

Matatandaan naghain ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 si Zubiri noong nakaraang Enero 15 na nagpapanukala ng pagbabago sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution at ang co-author ay sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Senator Sonny Angara.

Ngunit matapos ang tatlong oras na closed-door meeting kagabi ay ibinigay ng mga senador ang naturang resolution sa Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Sen. Robinhood Padilla. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *