Sat. Nov 23rd, 2024

NANAWAGAN ang human rights group na KARAPATAN sa administrasyong Marcos Jr. na “itigil ang pagpapanggap at putulin ang palabas” matapos sabihin ng Department of Foreign Affairs sa isang kalatas na ang pagbisita ni UN Special Rapporteur on Freedom of Expression and Opinion Irene Khan sa bansa ay nagpapakita ng  “open, sustained and sincere cooperation…with bilateral and regional partners and the UN.”

Ayon kay KARAPATAN Secretary-General Cristina Palabay, ang integridad sa pakikipagtulungan sa mga pandaigdigang mekanismo ng karapatang pantao ay nangangahulugan ng pagsunod sa mga rekomendasyon ng mga internasyonal na eksperto at kinatawan nito, na naaayon sa mga obligasyon ng isang estado sa ilalim ng mga kasunduan sa karapatang pantao, mga kumbensyon at deklarasyon.

Binalewala, ipinagkibit-balikat, at tinanggihan aniya ng gobyerno ng Pilipinas ang mga nakaraang rekomendasyon na ginawa ng mga UN special rapporteurs na bumisita sa bansa.

Giit ni Palabay, ginawa lahat ito dahil pinaigting ng gobyernong Marcos Jr. ang patakarang walang habas na panunupil laban sa mga mamamayan, paglabag sa mga karapatan at mga batayang kalayaan kabilang ang ating kalayaan sa pagpapahayag.

Sinabi ni Palabay na itinuring ng gobyerno ni Marcos Jr. ang mga internasyunal na pakikipag-ugnayan bilang pagpapakita ng kagandahang-loob at oportunidad para pagtakpan ang kanyang maruming imahe sa harap ng international community

“Meanwhile, real figures and real issues on human rights haunt his administration, and the outright disregard of such issues reflects his callousness,” sabi niya.

Ipinahayag ng KARAPATAN na nagpapatuloy ang extrajudicial killings sa drug war at counterinsurgency program, at ang paggamit ng Anti-Terrorism Law para sugpuin nang puspusan ang mga hindi sumasang-ayon.

Sinabi rin ng grupo na pinalakas ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang kanilang terror-tagging spree sa mga komunidad at iba’t ibang bahagi ng bansa, sa pamamagitan ng mga operasyong militar.

“Nearly 800 political prisoners are facing trumped up criminal charges, spending years in jail because of the State’s intolerance of political beliefs and dissent,” anang KARAPATAN.

Binanggit ni Palabay na wala na  ngang aksyon ang gobyerno ng Pilipinas  sa mga pangunahing rekomendasyon ng UN Special Rapporteurs na bumisita sa Pilipinas noong mga nakaraang taon, ang mismong mga isyu na inimbestigahan at tinutugunan ng mga rapporteur ng UN, ay nagpapatuloy pa.

Sinabi rin ni Palabay na maraming mga rekomendasyon sa panahon ng Universal Periodic Review ng Pilipinas at sa UN Human Rights Committee sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas ang iniharap din, pero ang administrasyong Marcos Jr. ay nagpapatuloy sa pagtanggi nito sa mga paglabag na ginawa sa  bansa.

“The Philippine government should stop making these events, like Ms. Irene Khan’s visit to the country, as window dressing before the international community. We are raising concerns about serious issues where life and death matter for Filipinos. Instead of using Khan’s visit in its PR blitz to deodorize the Philippine government’s record on free expression, the government should heed and implement previous and upcoming recommendations of the Special Rapporteur and international human rights mechanisms,” aniya.

Ang KARAPATAN ay kabilang sa 39 na pambansa, rehiyonal, at internasyonal na organisasyon na nagsumite ng mga ulat kay Ms. Khan upang ipakita ang ” the “bleak and sorry state of press freedom and the right to express in the Philippines,” at nagrekomenda ng mga hakbang tungo sa pagtigil sa mga pag-atake laban sa mga mamamahayag, mga aktibista, at mga mamamayan.

Ang grupo, kasama ang mga organisasyon ng media, artista, miyembro ng akademya, at mga tagapagtaguyod ng kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa pagpapahayag, ay naglunsad ng #FightToExpress sa oras ng pagbisita ni Khan, upang tumawag ng imbestigasyon sa mga mapanganib na pattern sa mga paglabag sa kalayaan ng mga tao ng pagpapahayag at opinyon sa bansa. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *