NAPATAKIP na lang ng mukha sa kahihiyan habang tumatawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang ipamukha ng Coldplay singer kung gaano kalala ang sitwasyon ng trapiko sa bansa.
Sakay ng chopper sina Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos at iba pang kasama nila nang dumating sa Philippine Arena sa Bulacan para manood ng konsiyerto ng Coldplay.
Para kay Renato Reyes Jr, chairman ng Bagong Alyansang Makabayan, ang isang pangulo na gumagamit ng chopper para manood ng isang konsiyerto sa gitna ng teribleng trapiko at mass transport crisis ay hindi makikismpatya sa mga tsuper at operator ng jeepney at mga komyuter.
“A president who takes a chopper to watch a concert amid terrible traffic and a mass transport crisis, will not sympathize with jeepney drivers, operators and commuters. This is the state of transportation in the Philippines today,” ani Reyes.
Ang eksena aniya sa Philippine Arena kagabi ay isang matinding insulto sa milyun-milyong komyuter lalo na’t kalalabas lamang ang resulta ng survey na nagsabing ang Manila ang may pinakamasahol na sitwasyon ng trapiko sa buong mundo.
Itinampok aniya nito ang pribelehiyo ng iilan at paghihirap ng mayorya.
“We are faced with a debilitating mass transport crisis that has caused terrible traffic and nightmare commutes for ordinary folks. The Philippines needs to develop the mass transport system that prioritizes building of trains and integrating these with buses and jeepneys to solve the severe lack of transport options of commuters,” ani Reyes.
Ang kailangan aniya ng bansa ngayon ay isang progresibo at maka-taong mass transport system na nakaangkla sa sa lokal na industriya at hindi ang isang palpak na public utility vehicle modernization program (PUVMP). (ROSE NOVENARIO)
PANOORIN: https://www.tiktok.com/@lopezmiks/video/7325851578533989638?_r=1&_t=8jBLOQxVVMv