Itinuturing ng National Bureau of Investigation (NBI) na “persons of interest” sina Sen. Robin Padilla, hepe ng Office of the Senate Sergeant‑at‑Arms Mao Aplasca, at Senate President Alan Peter Cayetano “pagkawala” ni Sen. Bato dela Rosa mula sa gusali ng Senado kahit nasa ilalim siya ng kanilang protective custody.
“To a certain extent as to the disappearance of Sen. Bato, sila talaga yung persons of interest. Pero kung i‑pursue yung investigating, we’re not yet on that level,”* sinabi ni NBI Direrctor Melvin Matibag sa panayam sa ANC.
Kinompirma ni Cayetano na umalis si Dela Rosa, kasama si Padilla, sa gusali ng Senado bandang 2:30 a.m. nitong Huwebes, ilang oras matapos marinig ang putukan sa loob ng gusali na hinihinalang ginamit bilang “diversion tactic” upang takpan ang kanyang “pagtakas.”
Nilinaw ni Matibag na ang “persons of interest” ay nangangahulugang sila ang “dapat unang sumagot pag tinanong natin nasaan si Sen. Bato dela Rosa.”
“Nangako sila [ng] protective custody kay Sen. Bato kaya hindi natuloy ang pag‑aresto kasi ginagalang natin. Pero pag sinabi mong under your custody, you are responsible… mag‑present sa tao na yan,”*dagdag pa ni Matibag. # (RRN)