Umalma ang pamilya ng yumaong dating Senate President Juan Ponce Enrile sa mga sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano hinggil sa umano’y pagiging malapit niya sa dating lider ng Senado.
Aminado ang pamilya na matagal nang may pagkakakilala ang dalawang pamilya, ngunit binigyang-diin nila na “genuine relationships are not measured solely by words spoken publicly after a person has passed.”
Sa necrological services sa Senado at sa mga araw matapos ang pagpanaw ni Enrile, binigyang-pansin ng pamilya kung sino ang dumalo — at sino ang hindi.
“Recent public declarations of closeness, while noted, inevitably strike our family with a certain sadness and disappointment,” ayon sa pahayag.
Sa kabila ng kanilang panghihinayang, iginiit ng pamilya na patuloy nilang isasabuhay ang mga pagpapahalaga sa biyaya at pagpipigil na pinanghawakan ni Enrile sa kanyang mahabang buhay publiko.
Nanalangin din sila na ang lahat ng bumabanggit sa kanyang pangalan ay gawin ito “with honesty, consistency, and genuine respect.” # (RRN)