Tue. May 26th, 2026

Umani raw ng batikos sa mga kawani ng Senado ang misis ng isa nilang  opisyal dahil sa sobrang pagiging maangas na animo’y nabili nilang mag-asawa ang opisina ng kanyang mister.

“Hindi lang ‘yan, parang galing sa kanilang bulsa ang ginagasta sa opisina ni Sir,” sabi ng galit na miyembro ng Las Chismosas Senate chapter.

Bigla raw dumating sa tanggapan ng kanyang mister si Mrs. Maangas noong nakaraang lingo at napansin ang dekorasyong bulaklak.

Hindi raw niya natipuhan ang flower arrangement at inutos niyang agad tanggalin ito.

Astahang First Lady raw si Mrs. Maangas samantalang bisita lang siya sa Senado.

“Alam kasi niyang hindi magrereklamo ang kanyang mister na animo’y asong bahag ang buntot sa harap ng kanyang misis,” singit na komento ng isang inis na miron.

CLUE:

Imbes na atupagin ang kanyang trabaho sa amo niyang kaanak ng isang opisyal rin ng Senado, naging gawi raw ni Mrs. Maangas na makialam kahit saan mapuwesto ang kanyang mister.

Malakas daw ang loob niya kasi marami silang hawak na alas laban sa mga amo nilang mag-asawa.

“Gusto ko sanang magpa-konsulta kay Mrs. Maangas kaya lang baka singhalan ako at pukpukin ng kaldero,” sabat ng isa pang miron.

‘Yun na!

By admin