Sat. Jul 11th, 2026

Umalma si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa pag-angkin ng China sa Batanes, tinawag itong “walang basehan” at “katawa-tawa.”

Giit ni Teodoro, nakababahala na pinaniniwalaan ng ilang mamamayan ng China ang naturang pahayag dahil sa “matinding brainwashing.”

Aniya, dapat agad itong labanan at hinimok ang mga akademiko na huwag palampasin ang tinawag niyang “kalokohan” na teorya.

Naglabas ng pahayag ang kalihim matapos ang ulat na ilang Chinese scholars ang nagsabing walang legal at historikal na batayan ang kontrol ng Pilipinas sa Batanes, at itinuturing pa itong extension ng Taiwan na inaangkin ng Beijing.

Dagdag ni Teodoro, pinapatunayan ng mga ganitong claim ang hinala niyang plano ng China na palawakin ang kontrol sa Pacific Ocean.

Ang mga maling pahayag na ito aniya ay magpapatibay sa pagkakaisa ng mga bansa laban sa “iresponsableng asal” ng Beijing.

Sinuportahan ni NTF-WPS spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela ang sinabi ni Teodoro kasabay ng babala na kung hindi tutulan ang kasinungalingan ng China, uulitin lamang nila ito upang baguhin ang kasaysayan. # (RRN)

By admin