š·: Iskolar ng Bayan / FB
Nagbabala ang mga grupong sibiko hinggil sa umanoāy maling prayoridad ng pamahalaan sa pamamahagi ng tubig, matapos ipahayag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang plano nitong gumamit ng impounding technology upang tiyakin ang suplay para sa proyektong Pax Silica ng Estados Unidos.
Mariing kinondena ng Water for the People Network ang hakbang, iginiit na habang tiyak ang alokasyon para sa mga industriyal na proyekto, patuloy na nagdurusa ang milyun-milyong ordinaryong konsyumer sa kakulangan ng ligtas at maaasahang tubig.
āButi pa ang Pax Silica, ginagawan ng gobyerno ng paraan para magkatubigāat may public announcement pa. Paano naman ang milyun-milyong ordinaryong konsyumer?ā ayon sa grupo.
Isa sa pinaka-water-stressed na rehiyon ang Central Luzon, kung saan bumabagsak na sa kritikal na antas ang Angat Dam at mas pinapalala pa ng nakaambang El NiƱo.
Lubos na naapektuhan ang mga magsasaka matapos bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon para sa irigasyon.
Mahigit isang dekada nang nananawagan ang mga komunidad na itigil ang water privatization at mga joint venture agreements na nagpalala sa kakulangan ng serbisyo.
Gayunman, sa kabila ng sunod-sunod na imbestigasyon at pangako mula sa MalacaƱangākabilang na noong 2025 electionsānananatiling walang matinong suplay sa mga kabahayan habang patuloy na lumalaki ang kita ng mga water oligarchs gaya nina Razon, Ang, Co, at iba pa.
Ayon sa datos, sa mahigit 28,000 water service providers sa bansa, 6,408 lamang ang may Level III service o household piped connections. Higit kalahati o 15,642 ay nananatiling Level I, nakadepende sa mga balon at bukal na walang direktang koneksyon sa mga tahanan.
Binigyang-diin ng mga tagapagtaguyod na ang tunay na seguridad sa tubig ay dapat magsimula sa karapatan ng mamamayan sa ligtas, sapat, at abot-kayang suplay.
āWater security means first ensuring the peopleās right to waterānot corporate profits,ā ayon sa pahayag ng network. # (ZIA LUNA)