Wed. Jul 29th, 2026

Tila walang ideya si Vice President Sara Duterte sa kontroberysal na Pax Silica Industrial Hub ng Estados na balak itayo sa mahigit 1,600 ektaryang lupain sa New Clark City, Tarlac na mariing tinututulan ng ilang personalidad, mga organisasyon at mga komunidad na maapektuhan nito.

Hiningi ng Duterte supporters ang reaksyon ni VP Sara sa The Hague, Netherlands, noong Martes, Hulyo 28, 2026 sa isang panayam.

“Any thought po about sa Pax Silica na balak pong itayo sa Pilipinas?” tanong ng isang babae batay sa video ng Duterte supporter na si Alvin Sarzate na ipinaskil sa kanyang YouTube channel.

“Ano? Ano? Fox Sili… Fox Silic?” usisa ni VP Sara.

“Hindi, Ma’am. Pax Silica. Do you know anything about that?” ayon naman kay Sarzate,

Sinabi ni VP Sara, wala siyang maikokomento sa nasabing isyu.

“Wala ako–I cannot comment on that,” pagtatapos niya.

Umani ng negatibong komento mula sa netizens ang naturang video. # (RRN)

By admin