Fri. Jul 31st, 2026

Sa gitna ng panawagan para sa makatarungang sahod, pinigil ng Pasig Regional Trial Court ang ₱85 dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.

Sa kautusan noong Hulyo 30, ipinagkaloob ni Presiding Judge Marie Joyce Manongsong ang temporary restraining order (TRO) laban sa NCR Wage Order No. 27, matapos hilingin ng contruction companies na Readycon Trading at R-II Builders.

Hanggang Agosto 13, ipinagbawal ng korte ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR at ang National Wages and Productivity Commission na ipatupad ang dagdag sahod.

“The court finds that the peculiar circumstances of this case justify the issuance of a temporary restraining order to briefly stall the implementation of the assailed wage order,” ayon sa kautusan.

Itinakda ng korte ang pagdinig para sa writ of preliminary injunction sa Agosto 3. Nauna nang naglabas ng status quo ante order si Executive Judge Achilles Balauitan noong Hulyo 24, isang araw bago sana maging epektibo ang wage hike order.

Sinabi ni acting Labor Secretary Francis Tolentino na “nalulungkot” siya sa desisyon, ngunit igagalang ng kagawaran ang utos ng hukuman. # (RRN)

By admin