Tumawid na sa majority si Sen. Mark Villar mula sa minority, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Ang anunsyo ay ginawa ni Zubiri matapos ihalal si Villar bilang chairman ng Committee on Public Works na dating hawak ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III.
Napunta rin kay Villar ang isang slot sa Commission on Appointments (CA).
Habang si Minority Leader Sen. Alan Peter Cayetano ang pumalit sa puwesto ni Sen. Loren Legarda sa CA.
Sa kasalukuyan ay sampu na lamang ang nasa panig ng minority bloc na pinamumunuan ni Cayetano, kasama ang on medical leave na si Legarda, mga detenidong sina Sens. Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, at puganteng si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. #(RRN)