Sun. Oct 4th, 2026

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Malacañang, kina Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babes” Romualdez, US Ambassador to the Philippines Lee Lipton, at Philippine Consul General sa Los Angeles Adel Cruz na magtulung-tulong para sa mabilis na pagpapalaya kay Mark Mabasa, anak ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid, na ikinulong ng US immigration authorities sa California mula pa noong Setyembre 21.

“It is unacceptable that a person who has been seeking asylum is detained without a clear reason,” aniya.

“Mark and other members of Percy Lapid’s family have been seeking asylum for a long time after receiving terrifying death threats here in the Philippines.”, dagdag ng senadora.

Dapat aniyang saklolohan ng gobyerno si Mabasa, na kasama ang kanyang pamilya ay nagtungo sa US at humiling ng asylum matapos makatanggap ng death threats kasunod ng pagpaslang sa kanilang padre de pamilya noong 2022.

Kaugnay nito, nagpakita ng pakikiisa kay Mabasa ang Migrante South Bay at nanawagan ng hustisya sa kanyang kaso at pagwawakas ng pag-atake sa mga migrante.

“His story reflects how political repression and forced migration drive Filipinos to seek safety abroad, only to face detention and further persecution,” anang grupo.

“Hindi dapat kriminalisado ang paghahanap ng kaligtasan. We demand an end to unjust detention and call on the Philippine Consulate to defend the rights of ALL Filipinos abroad,” dagdag nila.

Napaulat na imbes noong Oktubre 3 ay iniurong sa Nobyembre 5 ang pagdinig sa kaso ni Mabasa na kasalukuyang nakapiit sa Adelanto Immigration and Customs Enforcement (ICE) Processing Center sa California.# (RRN)

By admin