Sun. Oct 6th, 2024

IPINATIGIL na ng Department of Environment and Natural Resources noon pang Setyembre 2023 ang operasyon ng isang resort sa gitna ng pamosong Chocolate Hills sa lalawigan ng Bohol dahil sa kawalan ng environmental compliance certificate.

Nakasaad ito sa inilabas na kalatas ng DENR kasunod nang napaulat na promotion sa Captain’s Peak Garden and Resort noong 3 Marso 2024 ng The Ren Adventure facebook page  bilang “katangi-tangi at nag-iisang resort sa gitna mismo ng Chocolate Hills” na umani ng batikos mula sa netizens.

Ayon sa DENR, inatasan si Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Bohol chief Ariel Rica na magbuo ng isang team na mag-iinspeksyon kung tumalima ang naturang resort sa Temporary Closure Order ng kagawaran. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *