Sun. Nov 24th, 2024
Sen. Risa Hontiveros

DAPAT ay binasa muna ni Vice President Sara Duterte ang resolusyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality bago naglabas ng pahayag para paboran si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

Malinaw aniyang nailatag sa mga pagdinig ng komite na walang bahid ng politika ang imbestigasyon kaugnay sa mga umano’y pang-aabuso sa ilang miyembro ng KOJC.

Bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ang mga biktima ang dapat ipagtanggol ni VP Sara at ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ang akusado.

“Sana ‘yung effort nilang dalawa, binuhos na lang sa pagdepensa sa ating mga mangingisda at mga kasundaluhan natin at Coast Guard laban sa pambu-bully ng China,” ani Hontiveros sa press conference kanina sa Senado.

“Walang maka-redirect o makakapigil sa patuloy na paniningil sa accountability ni Quiboloy kahit pagsasalita nilang dalawa,” dagdag ng senadora. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *