Fri. Jul 5th, 2024

LUMUHOD sa harap ng mga mambabatas ang isang opisyal ng Bossing ng Bayan Mo sa takot na putaktehin ng mga tanong kaugnay sa budget ng ahensyang kanyang pinamumunuan kamakailan.

Mistula raw isang makasalanang nilalang si Luhod King sa harap ng kanyang mga panginoon upang hindi na usisain ang mga detalye sa inihihirit na budget ng kanyang ahensyang mahilig magsanay.

“Nasaksihan ko mismo itong opisyal na ito ay lumapit sa mga senador at lumuhod sa kanilang harapan dahil hindi nya makayanang sagutin ang mga tanong nila sa kanya at sa ahensyang kanyang kinabibilangan,” pagbibida ng Chismosa sa Kongreso.

Nagulat at nahiya raw ang senator-sponsor ng budget sa inasal ng opisyal na ito sa harapan ng mga senador na kasama niya at sa mga nakasaksi.

Nahiya rin ng todo maging ang mga kasamahan niyang opisyal ng ahensya sa kanyang inasal.

Talaga palang kinaiinisan ng mga ilang opisyal at empleyado ng kanilang ahensya si Luhod King dahil sa madalas na pagmamayabang na humarap sa mga budget hearing dahil sya raw ay dati ring  mambabatas.

Kinabog daw ng husto si Luhod King sa mga pagtatanong ng mga senador dahil baka raw maungkat na nagmamay-ari pala siya ng ilang mga establisyamento na nakikinabang sa pondo ng naturang ahensya.

Natakot din daw si Luhod King na biglang kuwestiyonin ang palagian niyang biyahe sa abroad kundi sa ilang panig ng bansa dahil pinipilit pa rin na muling isabak sa politika ang kanyang asawa sa susunod na eleksyon.

Napailing na lang raw ‘yung mga opisyal na matagal na doon dahil simpleng tanong ay hindi niya masagot.

CLUE:

Paborito raw ng mga nais maging OFW ang ahensya ni Luhod King.

Ngunit ang OFWs ay kusang naghuhubad ng shoes sa mga paliparan at hindi nagtataray para maikubli ang “alipunga.”

Ano kaya ang BERTud niya at hindi masibak sa puwesto?

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *