Sat. Nov 23rd, 2024
Sen. Sherwin Gatchalian

KASUNOD ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga punong-guro na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon.

“Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang mga paaralan ng blended learning lalo na’t pinangangambahan natin ang banta ng pertussis at mas mainit na panahon. Maipagpapatuloy na natin ang edukasyon ng mga bata, mabibigyan pa natin ng prayoridad ang kanilang kalusugan at kaligtasan,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

May anim na lokal na pamahalaan sa Western Visayas ang nagsuspinde na ng klase nitong Abril 1 dahil sa init ng panahon. Nagsuspinde naman ang Iloilo City ng klase noong Abril 1 at ngayong Abril 2 mula pre-school hanggang senior high school dahil sa matinding init. Upang matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon, nakasaad sa Department of Education (DepEd) Order No. 037 s. 2022 na kasunod ng pagkansela o pagsuspinde ng mga klase, maaaring magsagawa ng modular distance learning, performance tasks, o make-up classes.

Matapos ang konsultasyon sa mga stakeholders, kabilang ang mga guro at mga mag-aaral, inurong ng DepEd ang pagtatapos ng School Year 2023-2024 sa Mayo 31 mula Hunyo 14. Matatandaang isinulong ni Gatchalian ang unti-unting pagbabalik sa dating school calendar. Iniulat din dati ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services (PAGASA) na bagama’t mas kaunti ang mga maulang araw at kanselasyon ng klase dahil sa bagyo sa ilalim ng kasalukuyang school calendar, mas marami naman ang mga araw na tumatama sa matinding init.

Samantala, nagdeklara naman ng mga pertussis outbreaks sa Quezon City at Iloilo City. Nasa ilalim naman ng state of calamity ang Cavite dahil sa pertussis outbreak. Iniulat ng Department of Health (DOH) noong Marso 27 na umabot na sa 40 ang namatay dahil sa pertussis mula Enero 1 hanggang Marso 16.

Nanawagan din si Gatchalian sa mga punong-guro na magpatupad ng mga hakbang para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa mga paaralan, kabilang ang pagsulong ng maayos na respiratory hygiene at regular na paghuhugas ng kama.

Kaugnay nito sinabi naman ni Senador Jinggoy Estrada na walang sinuman ang pumupigil sa mga local government units at  school heads na bumalik sa blended o distance learning ng dahil sa kilima o panahon lalo na’t nagpalabas ang DepEd (DO No. 44 series of 2022) ukol sa pagkakataon ng pagsuspende at pagkansela ng klas esa pamamagitan ng personal.

Ayon kay Estrada naiintindihan natin ang alalahanin ng mga magulang, guro at maging ng mga mag-aaral dala ng matinding init na nararanasan nitong mga nakaraang araw. Bukod sa mahirap tumutok sa pag-aaral dahil napakainit ng panahon, ang kapakanan ng mga kabataang mag-aaral ang dapat natin isaalang-alang sa ngayon.

“The DepEd order can be used as a basis by LGUs and school officials to prevent pertussis outbreaks in schools. Similar measures may also be taken by CHED and TESDA. Those in government offices, however, may have to resort to appropriate measures since we cannot afford a suspension of operations of agencies and services to the public,” ani Estrada.  (NINO ACLAN)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *