Sat. Nov 23rd, 2024
Sen. Risa Hontiveros

HINDI na dapat magulat ang publiko sa rebelasyon ni dating presidential spokesman Harry Roque na nakipagkasundo si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping na hindi ikukumpuni ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Reaksyon ito ni Sen. Risa Hontiveros sa kontrobersyal na ‘gentleman’s agreement’ nina Duterte at Xi.

Giit ng senador, malinaw naman na sa panahon ni Duterte sa Malakanyang, lagi siyang sunud-sunuran sa Beijing at prayoridad ang relasyon niya sa China kaysa pambansang interes ng Pilipinas.

Kahit kailan aniya ay hindi naman iginalang at pinahalagahan ni Duterte ang 2016 Arbitral  Ruling .

Gayonman, anomang kasunduan ang pinasok ni Duterte sa China ay binawi na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Dapat aniyang manatili sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre at isinusuong ng mga tropang Pinoy ang panganib para lang bantayan ito kaya’t hindi ito dapat balewalain ang kanilang hirap at sakrpisyo. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *