Tue. Dec 3rd, 2024
Zambales 1st District Representative Jay Khongun

NANINIWALA si Zambales 1st District Representative Jay Khongun, ang “payo” ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez  kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbitiw na sa puwesto ay nagpapakita kung paano ipinapaalam ng “mga kaibigan at kaalyado” ni Vice President Sara Duterte na gusto nilang “kunin” niya ang Malacañang, kahit na may apat na taon pa si Marcos Jr. sa kanyang termino.

Lalo aniyang nagiging malinaw na naiinip at ayaw nang maghintay sa 2028 presidential elections ang mga tagasuporta ng nakaraang administrasyon.

Sa isang pahayag noong Marso 27, “pinayuhan” ni Alvarez si Marcos Jr. na boluntaryong magbitiw sa kanyang posisyon at “i-turn over ang mga tungkulin ng pagkapangulo sa duly elected Vice President [VP] sa katauhan ni VP Sara Duterte.”

Sinabi ni Alvarez na gumagawa si Marcos Jr. ng mga desisyon na magpapalaki lamang ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryon, kung saan nangyari ang mga kamakailang insidente, tulad ng paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Ayon kay Khongun, ang unsolicited advice ni Alvarez sa Pangulo ay maaaring bahagi ng destabilization effort laban sa kasalukuyang administrasyon.

Giit ni Khongun, dapat isaalang-alang ang posibilidad na ang mga naturang panawagan para sa pagbitiw ni Marcos Jr. ay bahagi ng isang mas malawak na pagsisikap sa destabilisasyon, na naglalayong guluhin ang kasalukuyang administrasyon at mapabilis ang isang pampulitikang transisyon na naaayon sa kanilang mga interes. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *