Fri. Sep 20th, 2024
NSC Asst. Director-General Jonathan Malaya

ILABAS ang mga detalye at ebidensya na magpapatunay na may kasunduan ang Pilipinas at China kaugnay sa West Philippine Sea.

Ito ang hamon ni National Security Council (NSC) Assistant Director-General Jonathan Malaya kay dating Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing na may “gentleman’s agreement” sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na panatilihin ang status quo sa Ayungin Shoal, kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre ng Pilipinas.

Ayon kay Roque, ang pagdadala ng Pilipinas ng repair materials sa BRP Sierra Madre ay paglabag sa “gentleman’s agreement” kaya naranasan ng tropang Pinoy ang marahas na aksyon ng China Coast Guard.

Giit ni Malaya, walang ebidensya na magpapatunay na totoo ang nasabing pahayag ni Roque at kahit nagkaroon ng naturang kasunduan, binawi na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ikinagulat aniya ng administrasyong Marcos Jr. ang sinabi ni Roque dahil noong nakaraang taon lang ay idineklara ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na walang kasunduan hinggil sa usapin ang gobyerno ni Duterte at ang China.

Umani ng batikos ang pag-amin ni Roque sa kasunduan, at tinawag pang traydor si Duterte ng netizens. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *