Fri. Sep 20th, 2024
Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao

NAG-PUBLIC apology ang dating aktres at ngayo’y alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Mayor Niña Jose-Quiambao dahil pinapalitan ang aniya’y amoy bad breath na mikropono na ipinagamit sa kanya sa flag-raising ceremony ng lokal na pamahalaan kamakailan.

“Gusto ko lang pong humingi ng tawad sa mga nasaktan at na-offend sa pangyayaring iyon but sa sarili ko po, wala pong intensyon na makasakit ng damdamamin. Walang intensyon na magpakita na nangmamata ako ng tao dahil hindi po ako ganun,” paliwanag niya sa panayam sa programang Cristy Ferminute sa 92.3 True FM kanina.

Sinabi niya na pinalaki siya ng kanyang mga magulang sa pangaral na laging maging mapagpakumbaba kahit ano pa ang marating sa buhay.

“Sanay po akong ganun magsalita sa LGU family ko. Para sa akin wala lang ‘yun., for them para sa kanila, wala lang rin ‘yun, parang joke lang po ‘yun.And wala po talagang gumamit ng mic,” aniya.

Matagal aniyang hindi nagamit ang naturang mikropono kaya nagkaroon ng kakaibang amoy.

Aminado ang alkalde na madalas siyang mapagsabihan ng kanyang mga kapamilya dahil sa pagiging masyadong tapat at taklesa na minsan ay wala na sa lugar.

“Actually, pinagsasabihan po ako ng pamilya ko madalas na masyado po akong honest at taklesa na minsan ay wala na ako sa lugar,” wika ng dating aktres. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *