Sat. Sep 21st, 2024
Sen. Risa Hontiveros

NANINIWALA si Sen. Risa Hontiveros na may “failure of intelligence” ang Philippine National Police sa pagkabigong maaresto ang puganteng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at alleged sex offender Apollo Quiboloy sa kabila ng dalawang arrest warrant na inilabas ng hukuman laban sa sect leader.

Hinimok ni Hontiveros si PNP chief, PGen Rommel Marbil na pagbutihin ang paghahanap kay Quiboloy na isang “armed and dangerous” na indibidwal dahil may pagmamay-aring mga armas at nagmamantine ng privtae army.

Nanawagan ang senadora sa PNP na bawiin ang license to own and possess firearms ni Quiboloy.

Batid naman aniya sa social media na mayroong private army ang pastor ngunit nagtataka siya na tila nagbubulag-bulagan ang kapulisan.

Hinimok ng senadora sa PNP na bawiin ang license to own and possess firearms ni Quiboloy.

Isa aniyang banta sa peace and order ng bansa si Quiboloy kung hindi madarakip agad ng mga awtoridad. ( NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *