Sun. Nov 10th, 2024
National Security Adviser 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐌. 𝐀𝐧̃𝐨

NANAWAGAN si National Security Adviser Eduardo Año sa Department of Justice na repasuhin mabuti at ikonsidera ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban kay Rep. Pantaleon Alvarez at iba na humikayat sa militar na tanggalin ang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“We call on the Department of Justice to thoroughly review this matter and consider appropriate legal actions against Rep. Alvarez and others similarly situated,” sabi ni Año sa isang kalatas hinggil sa panawagan ni Alvarez na “withdrawal of support” kay Marcos Jr. ng AFP.

Giit ng top spook, ang mga pananalita at kaisipan ni Alvarez ay kawalan ng respeto sa mga unipormado na inilalagay ang sarili sa panganib upang mabigyan ng seguridad ang bansa at ipagtanggol laban sa mga pagbabanta at itaguyod ang Saligang Batas.

Bukod kay Alvarez, ilang beses din nagbabala sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy at iba pang kaalyado nila sa posibilidad na pagpapatalsik kay Marcos Jr. gaya nang sinapit ng ama nitong si Marcos Sr. noong 1986.

“Yon lang ang dasal ko, reject [people’s initiative], protect the Constitution. I am calling now the armed forces and the PNP : protect the Constitution. Trabaho niyo ‘yan, huwag niyong kalimutan. Kami ang inyong dapat…  You should worry about the nation, the millions of Filipinos. Huwag kayong mag-isip lang ng isang pamilya put*******. Ilagay niyo ‘yan sa utak niyo ,” sabi ni Duterte sa isang prayer rally noong Enero 2024.

Ani Año, masyadong minaliit ni Alvarez ang propesyonalismo at integridad ng AFP at PNP, mga institusyon na tapat sa Konstitusyon , rule of law, chain of command at sa Pangulong bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces.

“Any call for withdrawal of support when done by a public official, more so one that is also a high-ranking reservist officer, is not only irresponsible but also illegal and unconstitutional,” aniya.

“It erodes the very foundation of our democratic institutions and undermines the supremacy of civilian authority over the military. Such utterances and actions can be construed as seditious or rebellious and they have no place in our society,” dagdag niya.

Ang mga pahayag ni Alvarez, ayon kay Año, ay maituturing na “seditious or rebellious” na walang puwang sa lipunang Pilipino.

“In a democratic society such as ours, the armed forces are neutral and apolitical, serving the interests of the nation as a whole. The AFP and PNP shall continue to remain above petty partisan, political, or personal interests,” wika ni Año.

“Rep. Alvarez, and others who may be similarly inclined, should not drag such respected institutions to serve their partisan agenda or self-interest, even if such calls are made, as he claimed, in a fit of emotion. ” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *