Sun. Oct 6th, 2024
First Lady Liza Araneta-Marcos

AMINADO si First Lady Liza Araneta-Marcos na masama ang kanyang loob kay Vice President Sara Duterte dahil dumalo ang bise presidente sa rally na inorganisa laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong: Marcos Jr. ng kanyang amang si dating Presidente Rodrigo “Digong” Duterte.

Para sa Unang Ginang, hindi wasto ang presensya ni VP Sara sa anti-Marcos rally at tumawa pa nang tawagin ng kanyang ama na “bangag” si Marcos Jr.

Hindi aniya ginawa ito ni dating Vice President Leni Robredo kay noo’y Pangulong Duterte.

Sinabi ito ng Unang Ginang sa exclusive interview sa kanya ng broadcaster na si Anthony Taberna sa kanyang Youtube channel.

Matatandaan hindi na nagkibuan sina First lady at VP Sara mula nangyari ang naturang rally sa Davao City noong Enero. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *