Sun. Oct 6th, 2024
Vice President at Education Secretary Sara Duterte

MALAMANG na ma-tsugi na si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.

Ito ang palagay ni Atty. Barry Gutierrez ,dating tagapagsalita ni former Vice President Leni Robredo, batay sa pagsasapubliko ni First Lady Liza Araneta-Marcos ng kanyang sama ng loob kay VP Sara sa teaser ng panayam sa kanya ng broadcaster na si Anthony Taberna, sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Sabi ni Gutierrez, nakabibilib na hindi bumibitaw si VP Sara bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kabila ng lantarang pagkawasak ng alyansang Marcos-Duterte.

Ayon sa Unang Ginang, hindi katanggap-tanggap ang pagdalo ni VP Sara sa anti-Marcos rally na inorganisa ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at tatawa pa ito nang tawaging “bangag” si Marcos Jr., na hindi aniya ginawa ni Robredo noong siya pa ang bise presidente ng bansa.

Aabangan ng publiko ang posibilidad, sabi ng ilang political observers, na ang pagbatikos ng Unang Ginang kay VP Sara at pagpuri kay Robredo ay maaaring hudyat ng political alliance ng “Kakampinks” ng dating Bise Presidente at grupo ni Marcos Jr. sa 2025 midterm elections. (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *