Fri. Nov 22nd, 2024
Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

ITINANGHAL ng Time Magazine bilang isa sa “100 Most Influential People of 2024” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tinukoy ng TIME ang mga pagsisikap ni G. Marcos na pangunahan ang bansa matapos ang COVID-19 pandemic at para sa kanyang paninindigan laban sa China sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Bagama’t pinarangalan ng TIME ang Pangulo para sa kanyang pagsisikap na ayusin ang pangalan ng kanyang pamilya pagkatapos ng pagpapatalsik sa kanyang yumaong ama noong 1986, nabanggit nito na ang pagbabalik ni Marcos Jr. sa kapangyarihan noong 2022 ay dulot nang pagtatakip sa legacy ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng manipulasyon sa social media.

“Yet Bongbong’s desire to rehabilitate the Marcos name has resulted in other shifts. He brought technocrats back into government, steadied the post-­pandemic economy, and elevated the Philippines on the world stage,” anang TIME.

Binanggit nito ang “matatag” na paninindigan ng Pangulo laban sa pananalakay ng China sa hidwaan sa South China Sea at mga pagsisikap na palakasin ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos sa gitna ng tumataas na tensyon sa rehiyon at pandaigdig.

“Many problems persist, including extra­judicial killings and journalists routinely attacked. But by trying to repair his family name, Bongbong may reshape his country too,” dagdag ng TIME.

Noong 2013, nakapasok si Pangulong Benigno Aquino III sa listahan ng “Most Influential People” ng TIME. Kasama rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa prestihiyosong listahan noong 2017. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *