Sat. Nov 23rd, 2024
First Lady Liza Araneta – Marcos

TIKOM ang bibig ni First Lady Liza Araneta-Marcos tungkol sa kanyang hipag na si Sen. Imee Marcos na hindi ipinagtatanggol ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kritiko.

Sa esklusibong panayam ng broadcaster na si Anthony Taberna kay FL Liza, iginiit niya na alam niya ang kanyang hangganan bilang hipag ni Sen. Imee.

Sen. Imee Marcos

“Maybe you should ask her. I’m just the out-law, I know what line not to cross,” sabi niya.

May nakatakda aniyang regular na Sunday lunch at hindi nakadadalo si Sen. Imee kahit imbitado ang senadora.

“Once nga my mother-in-law said, ‘Hija, you did not invite Imee to these.’ Mom, me? We have a group chat where we are all included,” aniya.

“She’s always invited,” dagdag ni FL Liza.

Naging bokal si Sen. Imee sa pagbatikos sa kanyang kapatid at ilang beses din dumalo sa anti-Marcos rally na inorganisa ng mga Duterte. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *