MAHIHIRAPAN si Vice President Sara Duterte kung tatanggalin siya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) dahil hindi sapat ang budget ng Office of the Vice President (OVP) kung sasabak siya sa 2028 presidential elections, ayon kay UP Political Science Professor Jean Encinas-Franco.
Maaaari aniyang gamitin ni VP Sara ang pagiging kalihim ng DepEd upang magkaroon ng rason na makapaglibot sa buong bansa para ilako ang kanyang adbokasiya.
Matatandaan naging kontrobersyal ang paggastos ni VP Sara sa P125 milyon confidential funds ng OVP noong 2022 sa loob lamang ng 11, batay sa ulat ng Commission on Audit (COA).
Ilang personalidad na ang nanawagan sa pagbibitiw ni VP Sara bilang kalihim ng DepEd bunsod ng hayagang pagkontra niya sa ilang patakaran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pagdalo niya sa ilang anti-Marcos rallies. (ZIA LUNA)