Sun. Oct 6th, 2024

Balita namin ay naiinip na ang mga masugid na tagahanga ni Enchong Dee dahil sa matumal na pagbigay ng projects ng ABS CBN sa kanilang idolo.

Wala naman daw silang makita na dahilan para hindi nila bigyan si Enchong ng trabaho.

Si Enchong na magaling umarte sa kahit na anong ibigay na papel sa kanya,very propesyunal at down to earth. Kaya bakit nababalewala siya?

Napaka-loyal pa sa ABS CBN. Pero  walang Project.

Mabuti na lamang daw at maraming trabaho siyang natatanggap outside sa kanyang home studio.Kaya naman natutuwa pa rin ang kanyang mga fans. Mabuti na lang,   marami siyang negosyong naipatatayo. At mauunlad naman ito.

Hindi man siya  magkatrabaho sa ABS CBN ay  mabubuhay siya ng  masagana kasama ang buong pamilya.

Habang tinitipa ang  balita na ito ay may nagbulong sa amin at And I’m sure di na magtatampo ang fans niya.. Siya ay kasama sa host ng sisimulan na PBB Pinoy Big Brother. At  may narinig din kami na kasali siya sa  It’s Okay To Not Be Okay. Kasama sina Anne Curtis, Carlo Aquino at Joshua Garcia.

Sana matuloy na ito para kumalma na ang kanyang mga fans

Kalma..

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *