Hindi na nga pinalampas ni Atty. Ferdie Topacio ang maglabas ng saloobin ukol sa isang direktor na hindi makatao ang trato sa mga ‘extras.’
Nag-ugat ang nasabing issue nang may nagreklamo sa kaniyang mga talents ‘nung mag-interview siya ng mga extras para sa mga upcoming projects nito under Borracho Film Productions. Batay sa sumbong, nakaranas ang ilan sa kanila nang hindi kaaya-ayang trato mula sa isang direktor.
Narito ang pahayag ni Atty. Topacio: “Actually, it should be none of my business, kanya lang, since narito na rin tayo sa industriya, lahat ginagawa natin para itaas ang antas ng pelikulang pilipino,… matagal na ‘yung practice ng ibang mga direktor na ‘yung trato sa extras which is hindi makatao, sinisigawan, hindi nilalagyan ng holding area, nakabilad sa araw, nauuhaw, naiinitan…”
Dagdag pa niya, “May nagreklamo sa’kin, I have no quarrel with this person, I don’t know him from Adam… yung isang nag-ngangalang daw Mark Dela Cruz, direktor ng isang teleserye ni Bea Alonzo, ay grabe yung trato sa extra.” pahayag ni Atty. Topacio.
Apila naman niya : “Wag naman po sanang ganun, kasi yung extra tao rin yan, kung wala rin naman po yung tinatawag na ‘atmosphere actors’ hindi rin tayo makakagawa ng pelikula. Let’s treat everyone humanely.”
Hangad ng lahat na sana ay mapakinggan ang apilang ito ni Atty Ferdie para sa mga direktor na minsan ay nakakalimot na maging makatao sa mga maliliit na manggagawa sa industriya.
‘Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit.’
Bukas din kami kay Direk Mark, kung nanaisin niyang magbigay ng kanyang reaksyon o panig sa issue.