📷Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo
INIIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat nag-uugnay kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Chinese Communist Party (CCP).
Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na inutusan na niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ang Intelligence Group (IG) na siyasatin ang lahat ng impormasyon hinggil kay Guo.
“The CIDG and IG, I tasked them to conduct investigation regarding the mayor,” ani Marbil.
Nabatid sa mga ulat na kabilang sa salik sa pagwawagi ni Guo noong 2022 elections ay ang pag-endorso sa kanya ng Iglesia ni Cristo, bukod pa sa umano’y pamimili ng boto sa halagang P5,000 hanggang P10,000.
Ang pinagmulan ng pamilya Guo ay isiniwalat sa Youtube channel na China Insider ni David Zhang noong nakalipas na linggo, at tinukoy ang umano’y koneksyon ng ama ng alkalde sa Chinese Communist Party na si Jian Zhong Guo.
Ayon kay Zhang, kakiskisang siko ng ama ni Jian ang mga indibidwal gaya nina Zhu Feng, director ng Coordination Department na may kaugnayan sa China’s spy agency; at Chen Congcong ng Maritime Association.
Ang mga nasabing organisasyon aniya, kasama ang Philippine Chaotai Association,ay bahagi umano ng United Front, na nagsisilbi sa mga interes ng CCP sa ibang mga bansa.
Habang sa isang video na ipinaskil sa X (dating Twitter) ay ibinunyag na malaking pamilya ang Guo na nasa iba’t ibang bahagi ng Asya at nag-ugat sa Fujian, China.
Hotbed umano ng united front work ng CCP ang Fujian is a hotbed of the CCP.
Matatandaan unang lumutang ang pangalan ni Guo nang salakayin ng mga awtoridad noong Marso 2024 ang isang Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban sanhi ng illegal activities gaya ng human trafficking at serious illegal detention. (ROSE NOVENARIO)