Sabi nga, ang masampahan ng kasong libel o cyber libel kaming mga mamamahayag “comes with the territory.”
Bahagi na kasi ito ng aming trabaho as road accidents to a driver.
Sabi pa nga, hindi maituturing na “arrived” na ang isang peryodista unless he faces a libel suit.
Bagama’t may katotohanan ito, the fact remains that no mediaman courts or invites libel.
Dapat ay maging maingat pa rin ito–or kami for that matter.
Maganda ring alam ng bawat mamamahayag ang safeguards ng asuntong ito.
Sa pag-aaral ng pamamahayag o journalism, may apat na elementong dapat isaalang-alang.
Unless all four elements are satisfied, there constitutes no libel.
Pero hindi na namin hangad mag-lecture. Very basic lang ang mga do’s and don’t’s sa usaping libel.
Ultimately, ang hukom pa rin ang mananaig.
Sa kolum na ito’y nais kong ibigay ang espasyong ito sa dating boss at kasamahang si Cristy Fermin.
To get charged with libel is nothing new to her.
Maging noong “happier days” namin, kami mang dalawa ay respondents sa libel case na isinampa ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Sa balwarte niya isinampa ang kaso, kaya kinailangan naming umattend ng arraignment na nakatakda ng umaga.
Gabi pa lang the day before ay bumibiyahe na kami para mag-check in sa hotel near the justice hall.
Fast forward today.
Apat ang total na bilang ng mga cyber libel cases na kinakaharap ni Cristy.
In chronological order: ito’y ang kasong isinampa ni Esther Lahbati, sinundan ng kay Bea Alonzo, pinangatluhan ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.
Whereas people superstitiously believe that it comes in threes, may humabol pa being the fourth. Ito ‘yung kay Dominic Roque.
From south to north, north to south isinampa ang apat na kaso.
I can just imagine the inconvenience na ngayon pa lang ay iniinda ni Cristy.
Laki nga namang abala ‘yon sa kanyang daily radio hosting, puwera pa ang kanyang online show.
Doesn’t Cristy wish her body came in four equal parts?
Dinig namin, si Esther pa lang ang napapayag na itakda ang kanilang hearing at Cristy’s convenience.
Nauunawaan naman daw kasi ni Esther ang trabaho ni Cristy at ang work sked nito.
But it’s not all the time na ang plaintiff ang dapat mag-adjust, o ang respondent ang dapat masunod.
Uubra ba ito kay Sharon, herself busy as a bee as well?
With four cases, Cristy has no choice to bend over backwards.
A resident of Valenzuela City, itsurang gagalugarin ni Cristy ang halos buong Metro Manila to get to the prosecutor’s office on time.
Buti na lang, trabaho-bahay-art gallery lang ang destinasyon ni Cristy. Pag may libreng oras, doon lang siya uuwi in her native Soria in Nueva Ecija.
But we have to remember na hindi lang isang mamamahayag ang papel na ginagampanan niya: she’s also a mom and a lola. And a free-spirited soul paminsan-minsan.
Ang lahat bang ito’y mapagkakasya niyang gawin with the same level of passion?
And the “Hilong Talilong” award goes to…