Mon. Jul 8th, 2024

Pinahahanap ni Star Magic Head Laurenti Dyogi ang nawawalang standee ng BINI member na si Sheena.

Sa isang video, sinabi ni Dyogi na ang standee ay nawala noong Hunyo 11, pagkatapos pagkatapos ng BINI Hour sa National BINI Day na ginanap One Ayala mall sa Makati. Ang kinalalagyan ng 8 life-size standees ng girl group ng bansa ay sa labas ng lobby ng “The Space”, kung saan ginanap ang BINI Hour.

Isang video na nai-post sa X, na dating Twitter, kung saan nagpakita ng isang babae na tumatakbo sa isang escalator habang hawak ang standee ni Sheena. Ang ilan naman ay nag-post din ng larawan ng babae habang hawak ang standee.

“Nabalitaan namin na—I hope hindi siya Bloom, pero malamang at sa malamang, e, Bloom itong taong to, dahil nandun sa BINI Hour—na medyo po tumangay sa isa nating standee. Ang sinasabi naman lagi ng mga blooms, ‘walo hanggang dulo.’ Pito na lang po sila,” saad ni Dyogi.

“Unang una, nakakalungkot kasi to know that isang bloom ang puwedeng gumawa nito. Hindi maganda yung pagkukuha ka ng bagay na hindi sa inyo. At the same time, very important ito sa amin. Not only figuratively because kailangan kumpleto sila, but because it happened on the anniversary day of BINI,” dagdag pa nito.

Sinabi din ni Dyogi na nais nilang makumpleto ang walong standees upang mabigyan din ng tyansa ang ibang mga tagahanga na makapagpakuha ng kanilang mga larawan kasama sila, lalo pa’t maraming magiging kaganapan ang BINI sa mga susunod pang lingo.

“Ngayon po, naglulunsad kami ng isang magandang kampanya, ‘Finding Sheena’. So, tulungan niyo po kami, magbigay po ng impormasyon o sino po makakapagbalik sa ating standee ni Sheena,” sabi pa nito.

“Kailangan po hindi kayo yung kumuha nun ha, so humihingi po ako ng tulong sa iba pong mga blooms natin na may alam, pwede magturo, pwede magdala pabalik dito sa ABS-CBN ni Sheena. Kung meron kayong information gamitin lang po yung hashtag na SheenahanaphanapKita.”

Sa pagtatapos ng video ni Dyogi, sinabi niya na bibigyan ng pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon patungkol sa pagbabalik ng standee.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *