Sun. Oct 6th, 2024

Nagsimula na nga ang banggaan sa aktingan ni Grae Fernandez at Kyle Echarri sa sa teleseyeng “Pamilya Sagrado” ng ABS CBN sa ilalim ng Dreamscape production.
Kitang-kita na pinaghandaan nila ang nasabing proyekto upang epektibong magampanan ang kanilang karakter bilang “good and bad guy”

May maturity na nga sa pag-arte si Grae; ‘solid’ ang pagganap niya bilang isang spoiled brat na anak ng Gobernador na si Piolo Pascual ang gumaganap. Marahil ay malaking tulong ang dalawang taon na pinag-aralan niya sa isang acting workshop sa Stella Adler Studio of Acting sa New York City. Dagdag pa dyan ang pagiging dugong artista na nagmula pa sa Lolo at Lola nyang sina Miss Alma Moreno at the late Action Superstar Rudy Fernandez, at ang amang si Mark Anthony Fernandez.

Si Kyle Echarri naman ay masasabing isang revelation ang acting skills na kahit baguhan palang sa pag-arte, nakakabilib na agad kung paano niya binibigyang buhay ang markadong karakter na isang binatilyong lumaking ampon sa isang payak na pamilya na gagawin ang lahat upang makaahon sa hirap kasama ang mga nagisnang mahal sa buhay.

Sa unang linggo palang ng nasabing teleserye ay pinagsabong na agad ang dalawa sa mga eksena; walang nagpapadaig mula simula hanggang dulo ng bawat eksena na karamihan ay malapitan ang kuha ng kamera; madali mahusgahan kung pasado ba umarte ang kanilang mga mata, bibig at ang kabuuang mukha.

Bukod sa pagiging artista, parehong recording artist din ang dalawang binata, si Grae ay nakilala bilang miyembro ng “Gimme 5” na isang boy-group singer na binuo ng Star Magic.
Samantalang si Kyle Echari naman ay produkto ng “The Voice Kids” season 2.

Kung magtutuluy-tuloy ang sipag at tiyaga nina Grae Fernandez at Kyle Echarri sa kanilang acting career, hindi malayong mapabilang sila sa susunod na henerasyon ng mga mahuhusay na aktor sa telebisyon at pelikula.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *