Fri. Nov 22nd, 2024

Lalong mapapadalas ang pagbiyahe-biyahe ni Ai Ai de las Alas sa Amerika.

Katulad na lang kamakailan, the country’s premier comedienne just got back from the US para dumalo sa graduation rites ng kanyang youngest child.

Anytime, Ai Ai is set to fly back na naman dahil sa natanguan niyang commitment na Parade & Festival sa New Jersey.

Expect more US trips in the future.

As to how long she’s going to stay here until her next US sojourn comes up ay advice na rin daw ng kanyang abogado.

The longest would be isang buwan lang para raw maproseso agad ang mga dokumento ni Ai Ai who’s working on her US citizenship.

You heard it right.

Balak ni Ai Ai na manatili na sa Amerika for good maliban na lang daw kung may mga offers dito: “Pabalik-balik na lang ako dito.”

Ipinaliwanag ng komedyana ang rationalè behind wanting to retire in the US.

By the way, siya raw pala ang nagpetisyon sa kanyang sarili by virtue of a special US immigration law.

Pag nakasampung taon na raw kasi siya roon ay entitled na siya sa maraming benepisyo tulad ng libreng pagpapaospital, gamot at kahit pensyon mula sa gobyerno.

“Eh, dito naman, waley ako matatanggap,” malungkot niyang sabi.

Dahil pabalik-balik na raw siya sa US, Ai Ai is getting used to the kind of life there kumpara dito.

She only has herself nga naman to depend on, kaya nakapag-adjust na raw siya to doing things on her own.

Dahil isa nga naman siyang superstar dito, hindi maiiwasang may mga nakakakilala sa kanya sa US (she owns a property in Virginia).

A constant instance ay pag naggo-grocery siya.

Siyempre, once seen in public ay obligado nga naman that she has to look beautiful.

“Yes! Kaya naman hindi ako lumalabas ng bahay nang hindi ako naka-lipstick! Ha! Ha! Ha!”

Kung sinasabing “Kilay is life,” in Ai Ai’s case ay ang mga mapupulang labi niya  are what spell the difference!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *