Fri. Jul 5th, 2024

📷 Showbiz Avenue | Facebook

Umugong kamakailan ang usap usapan patungkol kina Kathryn Bernardo at Dominic Roque na nakitang magkasama sa isang gym.

Isiniwalat ni Dominic Roque ang katotohanang hindi niya nililigawan aktres na si Kathryn Bernardo.

Isang showbiz page sa Facebook ang nag-post ng larawan nina Kathryn Bernardo at Dominic Roque na mayroong caption na “Dominic Roque, nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?”

Nilinaw ng aktor na walang silang relasyon ng nasabing aktres sa pamamagitan ng pagtugon sa comment ng “Kapatid ko po yan. ☺️ Bros. 🤍”.

Si Dominic at Kathryn ay mayroong malapit na pagkakaibigan dahil dati silang nasa parehong koponan na tinatawag na “Nguya Squad” kasama ang dating kasintahan ni Kath na si Daniel Padilla.

Ang Nguya Squad ay binubuo ni Daniel, Kathryn, Dominic, Ria Atayde, Aeriel Garcia, Gabbi Garcia, Patrick Sugui, Marco Gumabao, at Khalil Ramos.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *