Fri. Jul 5th, 2024

📷kami.com.ph

MATAPOS ang mahabang panahon, direktang sinagot ni Nadia Montenegro sa isang panayam kay Julius Babao ang isyu ng kanyang bunsong anak na hindi tunay na anak ng kanyang yumaong partner na si Boy Asistio.

Matagal na panahon niyang itinago ang katotohanan ngunit alam ito ng kanyang mga kaanak at malalapit na kaibigan.

Kailan ma’y hindi pinagsisihan ni Nadia na dumating sa kanyang buhay ang kanyang bunsong anak bagkus ay itinuring pa niya itong biyaya. Sa ngayon ay wala sa isip ng anak ni Nadia na makipag-usap sa kanyang tunay na ama kung kaya’t iniisip ni Nadia kung dapat pa ba itong tawaging ama ng kanyang bunsong anak.

Ipinaliwanag din ni Nadia na para sa ibang tao ay mahirap intindihin kung bakit naging maayos pa din ang kanilang relasyon ni Boy sa kabila ng pagkakaroon ng ganoong sitwasyon ngunit sinigurado niya na naisaayos at naplano na niya ang lahat para ikabubuti ng bawat isa. Kailanma’y hindi niya naramdaman na kailangan niyang magpaliwanag sa kahit na sino patungkol sa kanyang bunsong anak dahil maayos ang kanilang pamilya bago pumanaw ang kanyang asawa na si Boy.

Lumaki ang bunsong anak ni Nadia na puno ng pagmamahal at may respeto para sa kanyang ama na si Boy, na siyang nagbigay ng pangalan at nagpaaral din sa kanya.

Sinabi ni Nadia na kalmado lang sila sa bahay at hindi sila naaapektuhan patungkol sa isyung trending ngayon. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *