Sat. Nov 23rd, 2024

📷Presidential Anti-Organized Crime Commission Spokesperson Winston Casio

BINABANTAYAN na 24/7 ng mga awtoridad si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang matiyak na hindi siya makakalabas ng bansa dahil anomang oras ay lalabas na ang arrest warrant laban sa alkalde para sa non-bailable case gaya ng human trafficking.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission Spokesperson Winston Casio,walang dual citizenship sa China at dahil isinuko na ni Guo ang kanyang Chinese citizenship matapos kumuha ng Philippine citizenship at Philippine passport, malaki ang posibilidad na magiging stateless na ang alkalde.

“So tandaan natin na siya’y naka-alert na po so mahihirapan po siyang makalabas ng Pilipinas ngayon. At saka walang tatanggap sa kaniyang bayan ngayon. Tandaan natin na ang China wala po silang dual citizenship. Maigting na sinabi sa atin ng mga counterparts natin sa China na dahil sa pag give up niya ng “Chinese citizenship” at pagkuha niya ng Philippine citizenship at Philippine passport. She has lost that right of a Chinese citizen so isang posibilidad itong si Guo Hua Ping ay magiging stateless. Wala po siyang bayang mapupuntahan. Paano natin idedeport kung walang tatanggap sa kaniya,” sabi ni Casio sa panayam ng programang Sa Totoo Lang sa One Ph.

Madaragdagan pa ang kaso na isasampa laban kay Guo lalo na’t inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na si  Guo Hua Ping at Guo ay iisa batay sa fingerprint ng alkalde.

“I have always been confident doon sa aming imbestigasyon that Guo Hua Ping and Alice Guo are one in the same. Na itong Guo Hua Ping ay nagkasala sa pagnanakaw ng identitad ng iba pang tao. So I guess pagnakuha natin yung official report ng NBI madadagdagan po ng kaso ito si Guo Hua Ping,” ani Casio. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *