IBINASURA ng Court of Appeals ang hirit ng puganteng dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag na ipawalang bisa ang kasong murder na isinampa laban sa kanya kaugnay sa pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Nabatid ito sa kapatid ni Percy na si Roy Mabasa sa kanyang paskil sa Facebook.
“WE learned that the Court of Appeals (CA) has finally dismissed Gerald Bantag’s motion to nullify the case filed by the Department of Justice (DOJ) against him in the Las Piñas Regional Trial Court. In short, the motion was merely a delaying tactic. ‘Tang ina, saan ka pa pupunta?” sabi ni Roy.
Matatandaan isinampa ng DOJ ang kasong murder laban kay Bantag sa Las Pinas City regional trial court (RTC) bilang mastermind sa pagpaslang kay Percy noong 2 Oktubre 2022.
Akusado rin si Bantag sa Muntinlupa City RTC sa kasong murder sa pagpatay noong 18 Oktubre 2022 kay Cristito Villamor Palana, isang person deprived of liberty (PDL) at umano’y middleman sa pagpaslang kay Percy.
Parehong naglabas ang arrest warrant ang naturang mga hukuman laban kay Bantag.
Sa apat na pahinang resolution, kinatigan ng CA ang desisyon ng Las Pinas City RTC na nagbasura sa inihaing motion to quash ni Bantag para sa kasong kinakaharap at warrant of arrest na inisyu sa Percy Lapid murder.
Matatandaan inihirit ni Bantag sa Las Pinas City RTC na ibasura ang murder case at ipawalang bisa ang arrest order laban sa kanya sa katuwirang wala umanong kapangyarihan ang panel ng DOJ prosecutors na maghain ng kaso laban sa kanya at wala umanong hursidiksyon ang RTC sa krimen na kanyang kinakaharap.
Giit ni Bantag, ang Sandiganbayan ang may hursidiksyon sa kanya bilang opisyal ng gobyerno nang maganap ang krimen.
Nang ibasura ito ng Las Pinas RTC ay naghain siya ng petisyon sa CA.
Sa desisyon ng CA, nakasaad na hindi sinunod ni Bantag ang procedural rules sa paghain ng isang petition for certiorari.
Nabigo si Bantag na hingin ang pagsang-ayon ng Office of the Solicitor General (OSG) sa paghain ng petition.
Sinabi ng CA na batay sa naging desisyon ng Supreme Court (SC): “In any criminal case or proceeding, only the OSG may bring or defend actions on behalf of the Republic of the Philippines, or represent the People or State before the SC and the CA.”
“This is explicitly provided under Section 35(1), Chapter 12, Title III, Book III of the 1987 Administrative Code of the Philippines.”
Iginiit nito, “More significantly, in the Manual for Prosecutors, Sections 12.5 and 12.6, Chapter XII thereof requires that all requests to file petition for certiorari shall be first coursed through the office of the prosecutor general for evaluation and approval prior to endorsement to the OSG.”
“The said procedure along with the non-conformity of the OSG on the filing of instant petition for certiorari calls for the outright dismissal of the petition,” ayon pa sa CA. (ROSE NOVENARIO)