Sat. Nov 23rd, 2024

IPATUTUPAD oil companies ang malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula bukas.

Ang presyo ng diesel mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1, 2024 ay madaragdagan ng P1.75 kada litro, habang ang gasoline at keroses ay parehong tataas ng P1.40 / litro, mas mataas ng P0.85 /litro noong nakalipas na linggo.

Sa kabuuan, mula nagsimula ang 2024 ay umabot na sa P7.75 ang idinagdag sa presyo ng diesel at sa gasoline ay P8.30/litro.

Habang ang halaga ng kerosene ay tumaas ng P1.40/litro  ngayong 2024.

“Relevant news for the week that push the oil prices up are the continued geopolitical tensions and supply risks. Last June 18, Ukrainian drone strike caused a fire at a major Russian oil terminal while the Israel’s “all out war” with Lebanon’s Hezbollah contributed to the tension,”  ayon kay Department of Energy’s Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero said. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *