Sat. Nov 23rd, 2024

📷 House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro 

BALUKTOT ang katuwiran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pag-absuwelto ng hukuman kay dating Sen. Leila de Lima ay patunay na hindi kailangan ng Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) para imbestigahan ang madugong drug war na ipinatupad ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na ang pagtatangka ni Marcos Jr. na gamitin ang kaso ni De lima bilang kalasag laban sa imbestigasyon ng ICC ay lihis at isa ring insulto sa libu-libong biktima ng brutal na drug war.

“President Marcos Jr.’s attempt to use Sen. De Lima’s case as a shield against ICC intervention is not only misguided but also a grave insult to the thousands of victims of the brutal drug war,” ayon kay Castro.

“Sen. De Lima’s case is just one out of thousands of drug-related cases during Duterte’s bogus drug war, most of which resulted in the death of the supposed suspects. Even if we add de Lima’s case to the 52 cases that the PNP and the Department of Justice (DOJ) probed, it’s not even 1 percent of the 6,000 drug war deaths based on government figures, even less so when we use data from human rights organizations.”

Binigyang-diin ng mambabatas ang malaking kaibahan sa pagitan ng ilang kaso na iniimbestigahan at ang malawakang saklaw ng mga paglabag sa karapatang pantao noong kampanya ng nakaraang administrasyon kontra droga.

“Napakababa naman ng standards ng pangulo hinggil sa katarungan at karapatang pantao kapag ganyan. Kaya di nakapagtataka na patuloy ang pandarahas ng mga militar at pulis sa kanayunan na ang target ay mga magsasaka at katutubo na nagtatanggol lamang sa kanilang karapatan sa lupa,” dagdag niya.

Hinimok ng mambabatas ang administrasyong Marcos na payagan ang ICC na maglunsad ng malalim at patas na imbestigasyon sa drug war killings, at ang tunay na hustisya at pagpapanagot sa mga maysala ay hindi makakamit sa may kinikilingan at limitadong lokal na pagsisiyasat.

“The Filipino people deserve a comprehensive investigation that addresses the full scope of human rights violations committed during the drug war. The ICC’s involvement is crucial to ensure that all perpetrators, regardless of their position or influence, are held accountable for their actions,” wika ni Castro concluded.

Kaugnay nito, nanawagan si De Lima kay Marcos Jr. na makipagtulungan sa pag-iimbestiga ng ICC sa madugong drug war ni Duterte at ikonsidera ang pag-ayuda sa pagpapatupad ng arrest warrant laban sa dating pangulo. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *