There’s something disturbing about Pokwang’s personality that she may not even be aware of.
O maaaring alam naman niya ang kanyang diperensya, only that she refuses to acknowledge it.
May mga times naman na valid ang katwiran niya most especially tungkol sa dating karelasyong si Lee O’Brian.
But other times, nasisilipan ng mga loopholes ang line of reasoning ng komedyana.
As we all know, nagtagumpay na si Pokwang in having Lee sent back to the US in violation of existing immigration laws.
She had been lobbying this for the longest time. In fact, Pokwang got more than what she had bargained for: for life nang hindi makakatapak si Lee on Philippine soil.
Pagkaganoon namang nag-succeed ka na, the least Pokwang could do is to move on and open a new chapter in your life.
Of late, bumibida na naman si Pokwang sa social media.
Ang una, huwag na huwag daw magtatangkang bumalik ni Lee sa Pinas dahil sasampahan daw niya ito ng VAWC o violation against women and children.
Specifically, ito’y may kinalaman sa kawalan ng monetary support ni Lee sa anak nilang si Malia.
Paano makakabalik si Lee kung blacklisted na nga siya in perpetuity?
Ang ikalawa’y may kaugnayan sa tanong ng isang netizen believed to have been dumped by her husband for a mistress.
Nagtanong kasi ang netizen kung ang mga kabit daw ba’y merong peace of mind considering na nakapanakit sila ng damdamin ng kapwa babaeng inagawan nila ng asawa.
May kapayapaan daw ba ang kanilang pag-iisip knowing na ang pagpatol nila sa asawa ng may asawa ay nagresulta para masira ang isang masayang pamilya?
Umarya na naman si Pokwang na feeling yata ay isang credible resource person on the subject matter.
Aniya, ang mga kabit daw na pinairal lang ang kanilang kalandian at kapokpokan para makapang-agaw ng asawa ay panandalian lang ang kaligayahan.
Nag-preach pa si Pokwang para pakantandaan ng mga kabit na: “God’s wrath is coming!”
Kung tutuusin, Pokwang was driving home a point.
Pero mismong ang mga netizens na rin ang nagkakaisa sa pagsasabing walang karapatan si Pokwang sa kanyang mga hanash.
In the first place, she was never married to Lee. Kaya kung sinumang babae ang kinahuhumalingan ngayon ni Lee na nahuhumaling din sa kanya ay hindi puwedeng tawaging kabit.
Pagle-lecture pa ng isang netizen, by definition ay hindi maaaring bansagang mistress ang babae kung wala namang ligal na pananagutan ang karelasyong lalaki, otherwise it’s an extramarital relationship.
What Pokwang–I honestly believe–needs is a serious self-appraisal.
Hindi ‘yung banat na lang siya nang banat nang wala sa lugar!
Mema lang kasi!