Sun. Jun 30th, 2024

📷Juliana Gomez | Facebook

MAY ganap na kalayaan si Juliana Gomez para magpasya sa kanyang career at maging sa kanyang lovelife.

Nabatid ito sa kanyang inang si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez sa ulat ng Pep.ph.

Nang usisain ng media si Lucy kung totoo ang umuugong na balitang si Juliana ay magiging bahagi ng Wil to Win ni Willie Revillame na mapapanood simula sa 15 Hulyo, Lunes ng 5:00 P.M., sa TV5, “I do not know. Ask her na lang,” matipid na sagot ng alkalde.

May ipinakita raw kasing silhouette ng girl na naka-fencing pose, bilang isa sa magiging female co-host ni Willie kaya ang duda ng marami ay si Juliana ito bilang isang premyadong fencer sa bansa.

“We tell Juliana naman, whatever offers there are, and whatever she decides to do with the offers, we really tell her to be the one, siya yung magdedesisyon kung gusto ba niya o hindi,” sabi ni Lucy.

“Huwag niya kaming isipin, na dapat gawin or hindi dapat gawin. It’s up to her.”

“Whatever feels right for the heart, that’s what I tell her. Sabi ko, ‘It has to rest easy in your heart.’”

Kabilang sa Win Girls ng Wil to Win sina Cindy Miranda, Kim Molina, Christine Bermas, Ira Patricia, Ana Ramsey, Inday Fatima, Gab Basiano, at Roberta Tamondong.

Kahit sa lovelife ni Juliana ay hindi nakikialam si Lucy.

“Oo, basta I never impose anything on her. I do not dictate. I do not give her timelines na kailangang ganito, or kailangang the best ka sa…

“Wala. Walang ganun.”

Kung magiging katulad kaya ni Atasha Muhlach si Juliana na regular na napapanood sa television, ‘yan ang aabangan ng lahat. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *