Fri. Jul 5th, 2024

📷 PEP.ph

MARAMI ang nagdududa kung talaga bang may namamagitan kina Alden Richards at Kathryn Bernardo o gimik lang ito para sa ginagawa nilang pelikulang “Hello, Love, Again.”

Ayon sa panayam sa PEP. ph sinabi ng aktor na nagtuloy-tuloy ang pagkakaibigan nila ng aktres matapos nilang gawin ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye.

“The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat [when we were filming].” Saad ng actor

“And right now, I’m just quite overwhelmed. Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal.” Dagdag pa nito.

Kinompirma noong Mayo 19 na magkakaroon ng karugtong na kwento ang Hello, Love Goodbye na pinamagatang Hello, Love, Again. Muling gaganap sina Alden at Kathryn bilang sina Ethan at Joy kung saan magkikita muli sila sa Canada matapos ang limang taon na long distance relationship.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *