Sat. Nov 23rd, 2024

INSULTO para sa mga manggagawa.

Ito ang tahasang reaksyon ni Ka Leody de Guzman, Chairman ng Bukluran ng Mangagagaawang Pilipino sa kanyang pagdalo sa lingguhang The Agenda forum sa Club Filipino.

Ayon kay De Guzman bukod sa insulto ito ay hindi ito sapat upang makabili man lamang ng isang kilong bigas.

Nagtataka din si De Guzman na mas mataas pa ang dagdag na sahod sa nakalipas na taon na kung saan ito ay deprensyang limang piso.

“Larawan iyon (wage increase) ng kawalan ng tamang pagtrato sa mga manggagawa . tinitingnan nila na napakaliit na uri ng mga manggagawa sa lipunang ito yun ang ibig sabihin non,” ani de Guzman.

Kung kaya’t lubhang masakit para sa kanila ito dahil sa grabeng itinaas na inflation , malaki ang nawala sa kanilang sahod pero kakarampot pa rin ang ibinigay para lamang huwag masabing hindi nagbigay.

Humingi naman ng pang-unawa si Partido ng Federal ng Pilipinas (PFP) Deputy Secretary General Prof. John Teope sa nararamdan ng sektor ng manggagawa.

Paliwanag ni Teope na kung bakit ito lamang ang naibigay ng pamahalaan ay dahil sa hindi lahat ng mga negosyante ay kakayaning magbigay ng dagdag na sahod sa kanilang mga mangagawa lalo na ang mga maliliit na negosyo.

Ngunit nanindigan si De Guzman na noong 1986 sa pamumuno ini dating Pangulong Corazon Aquino ay sunod-sunod ang mga wage hike at ito ay pantay pantay sa lahat ng parte ng bansa at walang tinatawag na provincial rate ay wala namang nagsarang negosyo o kumpanya.

Dahil dito nanawagan si De Guzman sa Senado na ang kanilang isinusulong legislative wage hike ay kanilang inaasahan upang sa ganoon ay magkaroon naman ng maayos-ayos at magandang kita ang ating mga mangagawa.   (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *