Sat. Nov 23rd, 2024

📷Davao City Police station | newsline.ph

 

SINIBAK ang mga hepe at officers-in-charge sa 19 na police stations sa Davao City epektibo kahapon, ayon sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao.

Ililipat umano ang mga tinanggal na opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng kapulisan ng Provincial Regional Office (PRO)-10.

“Ang 19 ka police stations nga mga station commanders and officer-in-charge kay na-relieve effective July 8, 2024,” paliwanag ni Police Regional Office-Davao (PRO-11) Spokesperson, Police Major Catherine Dela Rey.

Ayon kay Dela Rey, ang naturang hakbang ay desisyon mula sa Regional Director, at bahagi ng kanilang trabaho.

“Ang pagkaka-relieve nila is part sa trabaho. Duty sa regional director to assign and reassign police officers as he deemed fit. And it doesn’t mean nga na-relieve and mga station commanders kay maapektuhan ang security ug gina-enjoy na peace and order karon sa Davao region,” aniya.

“Depende na sa provincial director kung asa sila na mga offices ibutang,” dagdag niya.

Binigyan diin ni Dela Rey na walang kinalaman ito sa naging paghahain ng arrest warrants laban kay Pastor Apollo Quiboloy noong 10 Hunyo 2024. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *