Fri. Nov 22nd, 2024

MARAMI ang naghihimutok sa ginawang pagpapagiba sa Covered Court at katabi nitong Health Center sa Phase 1 sa Bagong Silang, Caloocan City na umano’y ipinagbili ang kinatitirikang lupa para pagtayuan ng isang supermarket.

“Ngayon lang nangyari ito. Wala na kaming mapupuntahang health center na malapit sa amin,” sabi ng isang 78-anyos na lola na sa Bagong Silang na nagkaedad.

Habang ang covered court nama’y pinanghinayangan din, lalo na ng mga kabataan, dahil ito ang “matinong lugar” na pinaglalaruan nila ng basketball at nagagamit din ng iba’t ibang grupo at organisasyon para pagdausan ng kanilang mga pagtitipon ng walang bayad.

Ang Bagong Silang ay naging bantog bilang barangay na may pinakamalaking populasyon sa buong Pilipinas, mahigit 245,000 katao, at may sukat na 574 ektarya, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa panahon ng administrasyong Cory Aquino noong dekada ’80 ay ginawang relocation site ito ng National Housing Authority (NHA) para sa informal settlers mula Intramuros. Manila at iba pang lugar sa Metro Manila, kabilang ang mula sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *