Fri. Nov 22nd, 2024

WALANG karapatan si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na kondenahin ang pagsalakay ng pulisya sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City para isilbi ang arrest warrant laban sa puganteng sect leader Apollo Quiboloy lalo na’t naging pamoso ang kanyang administrasyon sa extrajudicial killings.

Buwelta ito ni dating Sen. Leila de Lima sa kalatas ni Duterte na nagpahayag ng pagkondena sa police raid sa KOJC at pagtawag sa sitwasyon ng Pilipinas sa kasalukuyan bilang nasa kalunus-lunos na kalagayan at niyurakan ang mga karapatan at tinutuya ang ang mga batas.

Giit ni de Lima, walang illegal sa pagpapatupad ng balidong arrest warrants.

“What is illegal about enforcing valid arrest warrants?

At sa’yo pa talaga nanggaling ito? Kapal ng mukha! Bakit hindi ka na lang tumulong sa mga awtoridad?!” ani de Lima.

May 2,000 pulis ang sumalakay sa KOJC compound para hanapin si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong human trafficking at sexual abuse.

Dalawang umano’y biktima ng human trafficking ang nailigtas mula sa KOJC compound ng mga pulis at mga kinatawan ng Department of  Social Welfare and Development (DSWD) Region 11.

Sa ulat ng DZBB, kinompirma ni  PNP Regional Office (PRO) 11 spokesperson Police  Major Catherine dela Rey na ang operation ay bunsod ng isang trafficking-in-person complaint. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *