Fri. Nov 22nd, 2024

IPINAMUKHA ni dating Sen. Leila de Lima kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ang kinakaharap nitongayong sitwasyon ay ginawa sa kanya noong nakaupo pa ito sa Palasyo.

Tinukoy ni de Lima ang paglutang ng dalawang persons deprived of liberty (PDLs) bilang  mga testigo laban kay Duterte sa isinasagawang House quad committee hearing.

“Mr. Duterte, ano pakiramdam mo ngayon na ginamitan ka ng mga preso bilang mga testigo laban sa iyo, katulad ng ginawa mo sa akin noon? Karma ba yan, o pangungutya ng tadhana?” sabi ni de Lima sa kanyang paskil sa social media.

Batay sa testimonya ng PDLs na sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando Magdadaro sa pagdinig ng House quad-committee hearing, pinagsasaksak nila ang druglords na sina Chu Kin Tung, alias Tony Lim; Li Lan Yan, alias Jackson Li; at Wong Meng Pin, alias Wang Ming Ping noong Agosto 2016.

Ang pagpatay sa tatlong Chinese druglords ay mula sa utos sa kanila ni Davao Prison and Penal Farm (DPPF) Supt. Gerardo Padilla kapalit ng pera at kalayaan.

“Congrats Supt. Padilla, job well done. Pero grabe yung ginawa, dinuguan,” narinig umano ni Tan mula sa lalaking kaboses ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kausap sa mobile phone ni Padilla.

Matatandaan si de Lima ay inimbestigahan at sinampahan ng drug cases ng administrasyong Duterte base sa mga testimonya ng ilang PDLs sa New Bilibid Prison (NBP) at napawalang sala ng hukuman makaraan mabilanggo ng anim na taon. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *